NATATAWANG pinanlakihan ni Shania ang mga kaibigan nang sabay-sabay maningkit ang mga mata ng mga ito. “Don’t worry, makakauwi ako ng buo. Parang hindi niyo naman ako kilala. Naninipa ako ng bayag.” Nang-aasar na napangiti si Mika. “We are awre of that, pero hindi ikaw ang inaalala namin, si Isaac. Shania’s pretty loud sometimes and her mouth is non-stop so I suggest you to be patient with her.” Napahalakhak si Isaac sa kanyang tabi at hinapit siya sa bewang. “I kinda know that. And I don’t know, I kind of like how vocal Shania is. I like how her mind works. Hindi nauubusan si Shania nang topic.” Mayabang na hinawi si Shania ang buhok sa harap ng mga kaibigan at pabiro na pinaikot ang mga mata. “Akala niyo kayo lang may pasensiyosong bebe. Ako rin, ano? Pasintabi na lang kay Heather na