KAGAT-LABI na dinampot ni Shania ang yogurt na nasa mesa at gamit ang daliri ay iyon ang kanyang ginamit upang matikman ang panghimagas. Tinapat niya ang binocular sa mga mata at hinanap ang binata. She automatically smiled when her eyes landed on Isaac who is now balancing himself on the air as he surf through the wave. Napalunok si Shania nang mapahapyaw na napahagod si Isaac sa buhok bago ito sumulong sa alon. Isaac travel through the wave smoothly and he let the wave swallowed him as he made it to the barrel. Nang makalabas ito sa malaking alon ay napahiyaw ang mga kaibigan nito at mangha na pumalakpak. Muling isinawsaw ni Shania ang daliri at sinipsip iyon habang patuloy na nanonood siya kung gaano kagaling si Isaac dumaluyong sa galit na alon ng dagat. Yumukod ito pababa at hinawak