DAHIL sa kalabog na bumulabog sa kanila ay napatakbo silang lahat palabas ng accommodation upang alamin kung ano ang nangyayari. Maliban na lamang sa senator at right hand man nito. Dahil na rin sa kasalukuyang kalagayan. "What's going on here?" agad na tanong ni Charlotte sa mga nadatnang empleyado. Kaso wala silang nahintay na sagot, kaya't ang binata naman ang lumapit saka nagtanong. "Kinakausap ka ng Big Boss natin kaya't kung mahal mo ang iyong trabaho ay sabihin mo na. We will not harm you if you will tell us the truth," aniya. Pero kagaya ng dalaga ay wala siyang nakuhang sagot. Wala naman silang balak patayin ito o ipakulong man sana. Nais lang nilang alamin kung ano ang nangyari, kung bakit nasa harapan ito ng owner's lodge. But... Napansin niyang hindi mapakali ang empleyad