"Sumuko ka na lang maayos, Mrs Gaesamun. Wala ng saysay kung lalaban ka pa dahil wala ka ng mamamanduhan." Tinig na nagmumula sa likuran ng Ginang. Kaya naman agad siyang napalingon. Kaso napataas ang kaniyang kilay dahil mga taong hindi niya kilala ang nabungaran. "Who the hell are you?" tanong niya. "Huwag mo nang alamin dahil hindi ko rin naman sasabihin. Just come with us peacefully if you want to survive." Kibit-balikat ng may-ari sa tinig. "You wench!" sigaw niya sabay dampot sa baril. Walang sino man ang maaring gumawa ng ganoon sa kaniya. Kung kinakailangang pumatay siya upang mapagbayaran ng taong bumabastos sa kaniya ang kawalang-hiyaan ay gagawin niya. And no one is exemption including the wretched woman in front of her. "Sa lagay na iyan ay wala kang planong sumuko, ano?