"Huh! Sa Unang pagkakataon ay may bulaklak dito sa puntod ni Kim," ani Jang. Dahil totoo namang kahit bihira silang dumadalaw sa sementeryo ay hindi sila pumapalyang naglalagay sa binata. Sumabalit sa araw na iyon ay may naunang naglagay. Maaring nauna lamang kaysa sa kanilang mag-asawa. Dahil fresh na fresh pa. "My dearest, baka ito ang nais ipahiwatig ng panaginip mo. Sapantaha ko lang naman ito ngunit sana ay hanggang doon lang," pahayag ni Charlotte. "What do you mean by that, my dearest?" Hinarap ni Jang ang asawa dahil makahulugan ang pahayag nito. "Ngayon ko lang naisip na baka mayroong nais ipahiwatig ang pagparamdam nila sa iyo sa loob ng ilang taon. God forbids but it's either a tragedy or a warning to you that there's something suspicious around," pahayag nito. Kaya naman a