"Welcome here once again in Korea, Mommy, Daddy." Masayang sinalubong ni Jang ang mga biyanang bagong dating. Hindi na nga lamang siya nakasama sa pagsundo sa mga ito. Dahil gusto niyang personal na samahan ang asawa sa pag-alaga sa mga anak nila. Kahit sa hapon lang pagdating niya galing sa trabaho. Kaya't sina Young at Jürgen ang nagtungong airport. "Thank you, anak," masaya ring tugon ni Retired General Aguillar saka tinanggap ang palad ng manugang. Koreano ito pero pagdating sa kanilang pamilya ay sumunod ito sa nakasanayan ng pamilya, ang magmano. Tumango na lamang si Jang at nagbigay-daan upang makarating sila sa kinauupuan ng asawa. Kahit maagang nawala sa kaniya ang mga magulang ay hindi niya ramdam. Dahil ang mga biyanan niya ay hindi siya itinuring na manugang bagkus ay kung p