Hindi ko pinagsisisihan kung pinili kong makita at makasama si Elyse kahit pa kapalit ang buhay ko. Maraming beses na akong binalaan ng aking ama pero gaya nga ng palagi niyang sinasabi ay matigas ang ulo ko. Lagi ko na lang siyang sinusuway at wala na akong ibang ginagawa kundi puro na lang kalokohan. Walang ideya ang lahat ng may ranggo at maging ang aking ama na para sa akin ay hindi ito kalokohan. Totoo ang lahat ng ito sa akin at tama para sa akin ang mahalin si Elyse. Ipaglalaban ko siya dahil mahal na mahal ko siya at mas gugustuhin ko na pang mamatay na matapang para sa nararamdaman ko. Hindi ako manghihinayang sa buhay ko kung alam ko namang magiging masaya ako na kasama siya. Mamatay ako para sa kaniya at sisikapin ko ring mabuhay para sa kaniya. Alam ko rin sa sa