Pagkalipas ng sampung taon ay araw-araw akong nabubuhay sa lungkot. Nagpaalam na rin si Nanay dahil sa katandaan niya at pakiramdam ko ay pabigat lang ako sa pamilya ni Hydee. Nagtatanong na rin ang anak niya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tumatanda. Nginingitian ko na lang ang bata dahil wala na rin akong maisip na pwede kong idahilan sa kaniya. Bumalik na rin kami sa lugar kung saan kami lumaki ni Hydee. At siya na ang nagpatuloy sa negosyong iniwan noon ni Nanay. Pinalago niya ang ukay-ukay business ni Nanay at nakabili na rin siya ng pwesto sa tabi ng tindahan ni Nanay kaya lumalaki na ito. Tinulungan ko rin silang dalawa na mag-asawa sa pagbabantay dahil dumadami na ang mga customer nila sa ukay-ukay. Ang anak naman nito ay tumutulong sa pag-o-online bu
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books