Nagpalipas ako ng isang gabi bago ako tuluyang umalis sa demon realm. Sinulit namin ni Kiran ang huling gabi habang magkasama kami sa mundo nila. Pinagsaluhan namin ang mainit niyang kama at babaunin ko ang lahat ng alaala na meron kaming dalawa. Mahirap mang bitawan siya pero wala na akong magagawa. Gusto ko man siyang makasama ngunit hindi ko kayang tumira sa demon realm at gampanan ang tungkulin ko bilang cambion. Magiging kalaban ko ang langit na siyang palagi kong hinihingi-an ng tulong noon. At ang pinakamasakit ay hindi ko man lang siya nakausap at nakita nang paalis na ako. Ayaw niya raw akong makita at hinding-hindi niya ako ihahatid. Alam ko naman na nasasabi niya lang ang lahat ng iyon para itanggi niyang malungkot siya sa pag-alis ko. Ngayon ay nandito na ako