Pagkalipas ng dalawang araw ay kaagad kung nabawi ang lakas ko. Wala akong ginawa kundi kumain lang at humiga buong araw. Masyadong napa-paranoid si Kiran sa tuwing tumatayo lang ako. Kaya sino ba naman ang hindi gagaling kaagad kung mayroon akong Kiran na walang kasing galing kung mag-alaga. Napakaswerte ko talaga sa kaniya dahil sa hirap man at saya ay palagi siyang nandiyan para sa akin. Kaya nangangako rin ako na hinding-hindi na ako maghahanap ng iba na wala sa mga katangian niya. Hindi na ako makapaghintay pa na makausap ang tatay ni Kiran. Excited na rin akong makita ang pamilya ko sa labas ng mundong ito na alam kung labis ng nag-aalala sa akin. Pero bago ko makausap ang ama niya ay pinigilan niya ako kaagad nang akma na sana akong tatayo para harapin ang ama niya.