"Hindi ka pa ba nakontento? Pinatay mo na ang tatay ko!" nanggagalaiti kong tanong sa heneral pero para akong tanga dahil hindi naman niya ako pinapansin. Kung tratuhin niya ako ngayon ay para bang wala saysay ang mga pinagsasabi ko. Pinaparamdam niya sa akin ngayon na hindi importante ang mga sasabihin ko. "Pareho kayong magdurusa kapag pinahirapan ko ang babaeng pinakamamahal mo, Jude," pambubuyo nito sa kaniyang pamangkin. "Kaya pag-isipan mo, pamangkin ko kung saan ka kakampi ngayon?! Pwede pang magbago ang isip mo," pangungumbinsi nito. Naramdaman ko ang pag-init sa buong katawan ni Koran at ang enerhiyang lumalabas ngayon sa katawan niya ay napakalakas. Hindi pa man iyon tuluyang nakakalabas pero alam ko at nararamdaman kong kaya nitong kitilin ang buhay ng heneral gamit lan