Ilang segundo pa lang ang nagdaan bago ako makahuma ng muli na namang nanlaki ang mga mata ko dahil sa aking nakita. "Ano ang nangyayari?" mahina kong tanong sa aking sarili. Ni hindi ko na nagawang tingnan pa si Kiran dahil sa gulat na nararamdaman ko ngayon. Siguro kong nakikita ko lang ngayon ang sarili ko ay tiyak para nang luluwa ang mga mata ko dahil sa aking nasaksihan. Hindi ako makapaniwala. Paano ito nagawa ni Jude? Para na akong aatakihin sa puso at hindi ko matanggap ang ginawa niya para sa akin. Siguro kung naging normal lang akong tao ay baka kanina pa ako inatake sa puso. Hindi ko alam kung ano ang pero isa lang ang sigurado ako ngayon. Wala ng buhay ang heneral at ang kaniyang mga mata ay nanatiling dilat kahit wala ng hininga. Napakabilis ng mga nangyari a