"Elyse, umalis na tayo bago pa tayo matunton at mahuli ng mga tauhan ng ama ko," mabilis na aya sa akin ni Kiran sabay hawak sa aking kamay at pinagsiklop ang aming mga palad. Ni hindi ko na nagawang sumang-ayon sa sinabi niya at kahit tango ay hindi ko na rin nagawa dahil sa pagmamadali niya ngayon. Kalmado lang ang kaniyang boses pero alam ko na natataranta na siya ngayon kung pagbabasehan ko ang kaniyang mga kilos. Hindi maipagkakaila na natatakot siyang mahuli kami ngayon para sa kaligtasan ko. Alam ko naman na ayaw niya lang iparamdam sa akin na nagpa-panic siya dahil kapag nangyari iyon ay mawawala rin ako sa aking sariling konsentrasyon. Lalo akong bumilib sa abilidad ni Kiran at kahit alam kung nalulungkot siya at nagluluksa pa sa pagkawala ng kapatid niya ay ginagawa ni