Walang alinlangan niyang dinikit muli sa aking mga labi ang kaniyang bibig at binigyan ako ng sapat na hangin upang pahabain pa ang oras ng paghinga ko sa ilalim ng tubig. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginawa niya at sa tuwing patuloy niya akong binibigyan ng hangin ay napapakalma ko ang sarili ko sa takot. Pakiramdam ko ay ligtas na ligtas ako dahil nandiyan siya para gawin ang lahat para sa akin. Halos ibigay na niya sa akin ang lahat na meron siya at wala siyang pakialam kahit na maubos ang sarili niya o kahit wala ng matira sa kaniya. Para bang wala ng ibang importante sa kaniya kundi ako lang. Para akong nababaliw ngayon dahil kahit alam ko naman na ginagawa lang ito ni Kiran para tulungan akong makahinga sa ilalim ng tunig ay kusang gumagalaw ang mga kamay ko na parang