"Kiran…" mahina kong banggit sa kaniyang pangalan. I find it so thrilled, kahit na medyo kinakabahan ako. Parang buwis buhay itong ginagawa namin ngayon dahil tiyak na patay talaga ako kapag nakita ako ng pinsan ko at lalo na kapag nalaman ito ni Nanay. Napatayo ako mula sa aking pagkakaupo pero kaagad naman niya akong sinundan. Lalapit sana ako sa pinto dahil natatakot akong may bumukas. Pigil ko ang aking hininga ngayon nang bigla na lang niya akong idiin sa isang sulok. Titig na titig siya sa aking mga mata at halos nalalanghap ko na ang lahat ng kaniyang hininga dahil sa lapit ng aming mga mukha. Nakasandal ako ngayon sa pader at kapag bumukas ang pintoan ay matatakpan kaming pareho. Ngunit tiyak na magtataka si Elyse kung nasaan ako lalo pa at nakita niya akong pumasok