Parang mga pipi ang tao sa bahay ngayon dahil si Nanay ay napaka seryoso sa ginagawang trabaho sa kusina at parang naiilang din akong kumibo dahil pakiramdam ko ay hindi pa ngayon ang tamang oras para kausapin sila. Pero kahit na wala akong imik ay hindi ko mapigilang magmasid sa dalawa. Nakikiramdam lang naman ako sa kanila at sa tingin ko ay ako itong nakukunsimisyon sa kanilang dalawa kapag nagtagal pa ito. Kaya napamasahe na lang din ako sa aking noo habang pinagmamasdan ko sila. Kasi sa totoo lang habang pinag-aaralan ko ang mga kilos nila ay para silang mga bata sa paningin ko. Uso pa ba ang nagtatampuhan ngayon ng wala namang maayos na dahilan? Hindi ko alam kung meron bang pinagtatalunan ang dalawa o sadya lang ba talagang ayaw ni Hydee na kausapin si Shawn. Halata nam