"Shawn, ibaba mo na ako!" Utos ni Hydee sa binata. Noong una ay binabalewala lang siya ni Shawn pero dahil sa pangungulit ni Hydee ay wala ng nagawa si Shawn. Marahil ay nahihiya na siya dahil alam niyang nahihirapan si Shawn dahil sa kaniya. Mabilis ang hakbang ng aking pagtakbo kahit na napapagod na ng sobra. Tumigil lang ako dahil sa kanilang pagtigil dahil kahit na ang dami kong iniisip sa mga oras na ito ay nakikinig pa rin ang aking tenga sa pag-uusap ng dalawa. Kahit medyo nag-aalangan pa si Shawn na sundin si Hydee ay ginawa niya pa rin dahil nagpupumilit ito. Nagsimula ulit kaming tumakbo at hindi ko mapigilan ang sarili kong tingnan ang aking pinsan. Paulit-ulit ko siyang tinitingnan dahil nag-aalala ako sa kalagayan niya. Nangilid ang mga luha ko sa aking mga mat