"Elyse, mag-iingat ka," wikang pahabol sa akin ni Shawn. Masyadong madamdaming ang kaniyang iniwan na paalala para sa akin. Dama ko ang labis na lungkot sa kaniyang boses at inaamin ko na natatakot din ako na iwanan sila. Hindi ko alam ang buhay na wala si Hydee at nanay dahil lumaki akong nandiyan sila palagi para sa akin. Lalong-lalo na si Hydee dahil siya ang palaging nasa tabi ko. Pero ayaw kong maging makasarili at maging pabigat sa kanila. Masakit man sa damdamin pero maraming bagay na dapat kong kalimutan. Lalo na ang paglimot ng mga nakasayan ko. Ayaw ko rin naman kasing magbulag-bulagan sa mga sitwasyon na dapat kong makita. Kayang tingnan ng aking mga mata kung ano ang tama. Pinangungunahan man ako ng aking takot na baka may masamang mangyari sa kanila na wala