Sa wakas ay binitawan din ako ng dalawang lalaki na nakahawak sa aking mga kamay. Ngunit hindi pa rin ako makagalaw kahit na ano man ang gawin ko na pagpupumiglas. Ni hindi ko magawang haplusin ang aking balat na may mantsa ng sarili kong dugo dahil dumiin ang kanilang mga kuko. Para akong ginapos ng sobrang higpit at hindi ko magawang kumilos ng naaayon sa aking kagustuhan. Pakiramdam ko nga tuloy ay parang may balak pa yata silang putulin o hatiin ang katawan ko sa dalawang bahagi. Kapag nagtagal pa ito ay tiyak na mahahati na ang katawan ko at mauubos nila ang lahat ng lamang loob ko. Limang hakbang ang kaniyang ginawa bago niya marating ang aking kinatatayuan. Hinawakan niya ang aking pisngi at dahan-dahang pinababa ang kaniyang daliri sa aking baba. Nanatili pa ring nak