Sa isang nakatagong silid kung saan nakulong si Kiran ay na puno ng iba't ibang mga langitngit na tunog. Ang mga tunog na ginawa mula sa pangunahing mga daga na gumagala sa buong paligid. Nakakatakot at nakakadiri dahil nakikita ko ang gaspang ng kanilang mga balat kahit na hindi ko ito nahahawakan. Isang tingin ko pa lang ay alam ko na para silang may mga sakit ngunit maliksi pa rin ang mga kilos. Parang kasing laki na ng mga pusa at napakadelikado. Walang mga palamuti sa sikretong underground upang kahit papaano ay mapaganda ang paligid. May mga ilaw at hindi ko alam kung ano ang silbi nito kung wala namang nakatira. Mula sa silid kung nasaan ako ngayon naroroon ay napansin ko na ginawa ng tahanan ng mga surot at langgam ang abandonadong bahay. Ang tanging makatwirang ba