Akala ko ay nanaginip lang ako ngayon dahil pagmulat ng aking mga mata ay hindi ang mukha ni Kiran ang nakita. Mahigpit ang hawak sa akin ng mga tauhan ng ama ni Kiran sa magkabila kong braso. Pilit nila akong pinatayo mula sa aking pagkakahiga at ang ilog sa talon ay bigla na lang bumaliktad ang agos patungo sa kabila. Kung sabagay, bakit pa ba ako magtataka? Kung alam ko naman na wala ng normal na nangyayari sa buhay ko simula ng maging legal ang edad ko. Ngunit ang mas nakakagulat ay ama na mismo ni Kiran ang nandito sa aking harapan. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Para bang sinusuri ako ng husto kung ano ang meron sa akin? Kung bakit ba ako nagustuhan ng anak niya? Puno ng katanungan ang kanyang mga titig sa akin pero nanatiling walang kibo at sa isang kompas lang