Kanina pa ako pabalik-balik sa aking dinadaanan habang nililikot ko ang aking mga daliri sa kamay. Kahit malamig ang buong paligid ay pinagpapawisan pa rin ako ng malamig. Ang sama ng pakiramdam ko at para na nga akong mababaliw sa kakaisip kung ano na ngayon ang ginagawa niya. Walang paglagyan ang kaba na nararamdaman ko dahil abot langit na ang pag-aalala ko ngayon sa kaniya. Hindi ako mapalagay at parang may nagkakarerahang mga kabayo sa loob ng dibdib ko. Kung hindi ako nagkakamali siguro ay magdadalawang oras na akong naghihintay kay Kiran sa loob ng kweba. Sa tuwing naiisip ko siya ay lalo lamang akong hindi napapakali. Habang nadadagdagan ang mga minuto sa paghihintay ko sa kaniya ay mas lalo lamang akong kinakabahan ng husto. At sa mga oras na ito ay para na akong naw