Masaya ako dahil sa wakas ay pumayag na rin si Nanay sa hiniling ko sa kaniya na pansamantala ay titira na muna ako sa bahay ni Kiran. Gusto niya sanang sumama sa amin pero hindi ako pumayag sa gusto niya. Masyado ng delikado ang sitwasyon namin ngayon kaysa noong nasa Bukidnon pa lamang kami. Gusto ni nanay na umalis kami at magtago pero napapagod na akong magtago sa malayo dahil nagsasayang lang kami ng oras at panahon. Kahit na saan man kami magpunta ay mahahanap at mahahanap pa rin nila kami. At isa pa, ayaw kong madamay sila sa mga problema ko lalo pa ngayon na hindi ko na magagawa na itago ang pagkatao ko sa aking mga kauri. Pagkatapos ng dalawang araw mula ng may mangyari sa aming masama ni Kiran ay umuwi na ako kaagad sa bahay dahil kinakabahan na ako ng husto. Natatako