ANG SIKIP, AT ANG HIGPIT. Hindi ako makakilos nang maayos, hindi na makagalaw. What's wrong with me? Bakit para akong . . . Marahan ko nang minulat ang mga mata ko. Ngunit sa aking pagmulat ay isang anino agad ang naaninag ko sa harap ko na mga isang dipa lang ang layo mula sa akin. Akala ko ay namamalikmata lang ako sa unang tingin, pero pagkurap ko ay tao pala na nakaupo sa isang chair at madilim ang anyo itong nakatingin sa akin. Bigla na lang nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ito. Walang iba kundi si Tredius! Wala itong suot na damit pang itaas, kung kaya kitang-kita ang muscles at mga tattoo nito sa katawan. Ubod ng seryoso itong nakatingin sa akin habang humihithit pa ng umuusok na sigarilyo. Mabilis na akong bumalikwas para sana tumayo, pero saka ko lang napagtanto n