Paglabas ko ay agad ko silang hinanap, hanggang sa napunta ako sa theater room, at doon ko silang dalawa nakita na nakatayo at magkaharap nang seryoso habang nag-uusap. Agad akong nagkubli sa tabi ng nakabukas na pinto para marinig ang kanilang usapan. “May anak na kami kaya mas mabuting ipaubaya mo na lang siya sa akin para walang mangyayaring gulo,” wika ni Tredius. Bahagyang natawa si Azelio. “At sinong tinakot mo? Ang kapal naman ng mukha mong magbanta sa akin ng ganyan. Sa susunod na marinig ko pa 'yan mula sa 'yo, aalisan na kita ng nguso.” Natawa rin si Tredius. “Nguso lang pala. Well, ako naman, hindi lang nguso ang kaya kong alisin sa 'yo . . . kundi pati mga paa at braso, kayang-kaya kong putulin.” Tumaas naman ang kilay ko sa narinig at sumilip ng konti. Nakita ko ang pag-ig