Dahil sa pagkagulat ko ay hindi ako nakagalaw agad, hanggang sa mabilis na nakalapit si Tredius at malakas ako nitong inagaw mula kay Aze sabay kaladkad sa akin para ilabas na ako ng wine cellar. Pero bago pa ako mailabas nito sa pinto ay malakas ko nang inagaw ang braso ko. “Ayokong sumama sa 'yo, you demon!” Nanlisik na ang mga mata nito sa akin. “Where's my daughter? Saan mo dinala ang anak ko? Sumagot ka!” Bigla na lang ako nitong hinablot nang marahas sa buhok. “Ah!” Hindi ko mapigilan ang mapangiwi dahil sa sakit. “H-Hindi mo na siya makikita pa! Akin lang ang anak ko, Tredius!” galit kong sagot at pilit na binaklas ang kamay nito sa paghawak sa buhok ko. Pero mas lalong nanlaki ang mga mata ni Tredius sa akin. “You b***h! Huwag na huwag mong aagawin ang anak ko sa akin! Ibalik m