LABIS ang saya ko nang sa wakas ay mayakap ko ang anak ko na matagal ko nang tiniis, tinanaw lang mula sa malayo. Iba pala talaga ang pakiramdam kapag nayakap mo na ang anak mo, doon na bubuhos ang emosyon mo kahit ano pang pagpipigil mo sa sarili mo.
Wala na akong nagawa kundi sumama pauwi sa teritoryo ni Tredius.
Dumating kami sa kastilyo nitong napakalaki, at napakarami ring mga bantay sa paligid, gano'n din pagpasok sa loob, sangkatutak ang katulong, nasa mahigit twenty yata.
“Mommy, I'm really happy to see you. Sana po hindi ka na umalis ulit, promise me po na hindi mo na kami iiwan pa ulit ni daddy,” wika ng anak ko habang abala sa pagkain.
Kasalukuyan na kaming nagdi-dinner dito sa malaking dining room. Kaming tatlo lang sa mahabang dining table na puno ng pagkain. Nasa dulo nakaupo si Tred na mala-hari, at nasa tabi naman ako ng anak ko.
“Of course, hindi ka na iiwan pa ni mommy, anak. I promise, hinding-hindi na aalis pa si mommy,” malambing kong sagot sa anak ko at nilagyan ulit ng broccoli plato nito, dahil pansin ko paborito nito ang broccoli. Napaka-vegetarian na bata, ayaw sa mga karne.
“Mommy, gusto ko po tabi tayo matulog mamaya kasama si daddy. I want you to hug me until I fall asleep. Because my classmate Arriane said that her mommy and Daddy hug her every night until she falls asleep.”
Bigla na lang akong napahinto at natigilan.
Nang mapatingin ako kay Tred ay nakatingin pala ito sa akin ng seryoso habang hawak ang kanyang kubyertos at may nakatusok na steak.
Iniwas ko na lang ang tingin ko at muling bumaling sa anak ko.
“Alam mo kasi, anak, malaki ka na. So I think, hindi mo na kailangan pang makatabi ang daddy mo, ako lang dapat. Mamaya yakapin kita sa pagtulog—”
“Napaka-selfish mo naman para sabihin 'yan sa anak ko,” he cut me off.
But I ignored him. Hinaplos-haplos ko na lang ang buhok ng anak ko at ngumiti rito.
“Si mommy na lang, okay? Yayakapin ka ni mommy kahit buong magdamag pa.”
My daughter looked at me. “Gusto ko pa dalawa ang katabi ko. I'm scared po kasi kapag napapaniginipan ko ang monster, tapos mag-isa lang ako sa kuwarto pagkagising ko.”
Parang naawa naman ako sa malungkot na mukha ng anak ko. Iyon pala ang dahilan kaya gusto mayakap sa pagtulog.
“Huwag kang makinig sa mommy mo. Of course, you're my princess. Tatabi si daddy para yakapin ka.”
My daughter's face suddenly lit up. “Yehey! Thank you, daddy and mommy!”
Wala na akong nagawa kundi ngumiti na lang ng tipid. Pero nang mapatingin ako muli kay Tred ay ang sama na ng tingin nito sa akin na akala mo'y may malaki akong kasalanan sa kanya.
Iniwas ko na lang ang tingin ko at pinagpatuloy na lang ang kain.
Matapos mag-dinner ay niyaya na ako ng anak ko na umakyat sa kanyang kuwarto, kaya sumama na lang ako. Pagkapasok namin ay hinila ako nito sa kanyang bathroom at gusto ay sabay kaming mag-toothbrush. So sinakyan ko na lang ang gusto dahil kailangan ko rin naman mag-toothbrush, at mabuti ay maraming extra toothbrush sa loob ng bathroom nito, iyon nga lang ay pambatang toothbrush. Pero puwede na rin pagtiyagaan, hindi na masama kaysa walang toothbrush.
Napaka-pambata ang design ng bathroom, para akong pumasok sa loob ng isang playground; kung ang kanyang bedroom kulay pink, ito namang bathroom ay yellow and sky blue ang theme; napakababa lang ng sink na skyblue, may maliit na jacuzzi na kulay yellow, may shower room, may isang skyblue toilet bowl, at kumpleto sa mga gamit na pampaligo para sa bata.
Nang matapos mag-toothbrush ay naghilamos na rin ako bago lumabas na ng bathroom.
Sa bedroom naman ng anak ko ay iba naman ang theme; pink: pabilog ang kama na ulo ni hello kitty ang design pero malaki, kasya kahit tatlong tao ang mahiga. Sa isang sulok ay may pambantang couch na hugis puso at light pink ang kulay. May dressing table din na light pink din ang kulay. May drawer din, may study table with pink swivel na pambata rin. At may 32 inches flat screen TV rin na na kulay pink at nakadikit sa pader.
Hinila naman ako ng anak papasok sa loob ng kanyang walk-in closet. Nagpabihis ito sa akin, at natuwa naman ako.
Napakalaki rin ng kanyang walk-in closet na kulay pink din, at napakarami ng mga gamit na nakaayos sa loob: dress, shoes, boots, doll shoes, kids bag. Kumpleto, pero pambata lahat. And when I opened the drawer, bumungad sa akin ang mga kumikinang na jewelry na puro pambata.
“Mommy, ikaw po, hindi ka po ba magbibihis?” tanong sa akin ng anak ko na tiningnan pa ang suot ko.
Bahagya naman akong natawa. “Gusto ko sana, anak. Pero wala kasi akong pamalit—”
“I will tell daddy!” Hinila na ako nito palabas ng walk-in closet.
Pero paglabas namin ay nasa loob na pala ng kuwarto si Tred, at nakasuot na ito ng terno na pantulog na kulay gray.
“Daddy!” Mabilis na lumapit si Anzhelika. Binuhat naman ito ng ama at hinalikan sa pisngi.
“Nag-brush ka na ng teeth mo?”
“Yes po, daddy!” My daughter nodded. “Kailangan po pala ni mommy ng damit, daddy.”
Napalingon naman sa akin si Tred nang marinig ang sinabi ng anak. Pero saglit lang ako nito tinapunan ng tingin at humakbang na palapit sa kama. Ibinaba na nito si Anzhelika bago lumapit sa dressing table at may kung anong kinuha sa drawer.
“Mommy, dito ka po!” pagtawag sa akin ng anak ko at sinenyasan akong maupo sa tabi niya.
Ngumiti ako at agad na lumapit, naupo ako sa tabi nito.
Bumalik naman si Tred at naupo sa kabilang tabi. Hindi na ako nito tinapunan pa ng tingin. Pero pagkaupo nito ay suklay pala ang dala at pulbo. Pinulbuhan ang likod ng anak bago ito marahan na sinuklay ang buhok naman ang buhok na hanggang balikat lang. At habang sinusuklayan naman ng ama ay tahimik lang si Anzhelika.
Tahimik lang ako sa isang tabi, dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, parang na-out-of-place yata ako sa kanilang mag-ama.
“Ayan, mabango na ang prinsesa ko. Puwedeng-puwede nang matulog!” Tred said.
Napangiti naman ang anak ko at mabilis na pumuwesto sa bandang taas ng kanyang kama. “Halika na po, mommy. Let's sleep na po.”
Nakangiti naman akong tumango. Pero nang akmang lalapit na ako para tumabi ay may bigla na lang pumigil sa isa kong braso.
“Just a moment, sweetheart. Paliliguin ko lang ang mommy mo sa kabilang room,” paalam ni Tred sa anak at hinila na ako nito palabas ng kuwarto.
Nagpatianod na lang ako. Hanggang sa dinala ako nito papasok sa isang bedroom na hindi na pambata ang design. Tingin ko ay room na niya. At pagkapasok namin ay saka nito binitiwan ang braso ko at tiningnan na ako.
“Hindi ka puwedeng tumabi sa anak ko nang mabaho.”
Parang nagpintig ang tainga ko sa narinig.
“Ang kapal naman ng—” Napahinto ako nang may mapagtanto. “h-hindi naman ako mabaho ah.” Umamo bigla ang boses ko.
Humakbang na ito palapit sa akin habang nakakunot na ang noo. “Sige, ituloy mo. Anong makapal? Mukha ko?”
‘Oo! Makapal ang mukha mo, ang sarap sirain!’ gusto ko sanang isigaw 'yun sa kanyang pagmumukha, pero nagtimpi ako dahil kailangan.
Yumuko na lang ako para iiwas ang aking tingin. “H-Hindi…” mahina ko nang sagot na kunwari ay natakot na.
Pero bigla na lang nitong hinawakan ang panga ko at inangat ang mukha ko sa kanya.
“Umayos-ayos ka kapag kausap mo ang anak ko at may hiniling sa 'yo. Anong sabi mo kanina, ikaw lang ang puwedeng tumabi, at ako hindi? And who are you to say that, huh? Sino ka para magdesisyon sa gusto ng anak ko?”
Kumuyom na ang kamao ko, parang gusto ko na lang itong sikmuraan para matanggal ang angas. Pero gayunpaman ay nagtimpi pa rin ako, at nagpanggap na namang takot sa kanya.
“Sorry, hindi ko naman intensyon na…” Damn it. I don't know how to explain. “Hindi ko intensyon na saktan ang damdamin ng anak ko.”
He chuckled sarcastically. “Oh really? Bakit hindi mo na lang aminin na ayaw mo akong makatabi dahil takot ka sa akin. Doon baka maniwala pa ako.”
Damn it. Calm down, self. Just calm down.
“P-Parang gano'n na nga, natatakot ako sa 'yo.”
Sa sagot ko ay saka nito binitiwan ang panga ko at sinenyasan na ako. “Sige na, pumasok ka na roon sa bathroom at maligo. Maghanap ka na lang ng bihisan na puwedeng magkasya sa 'yo sa closet ko. At pagkatapos mo, sumunod ka na sa kuwarto ni Anzhelika.”
Tumango na lang ako. Hanggang sa lumabas na ito ng kuwarto, kaya naman naiwan akong mag-isa.
Napabuga na lang ako sa hangin at sandaling napapikit para pakalmahin ang sarili ko.
Pumasok na ako ng bathroom at naligo. Nang matapos ay agad akong naghanap ng bihisan sa closet nito. Pero nandiri ako bigla sa isipin na isusuot ko ang kanyang mga damit. Kaya naman imbes na kumuha ng kanyang damit, mas pinili kong bathrobe na lang ang isuot.
Sandali pa akong nagpalakad-lakad sa loob ng kuwarto at tiningnan ang bawat sulok. Pero hindi pa ako puwede maghalungkat para maghanap ng kailangan ko. May tamang oras para roon. Dapat 'yung siguradong hindi ako mahuhuli.
Matapos suklayin ang buhok ko ay bumalik na ako sa kuwarto ng anak ko. Pero pagkapasok ko ay napahinto ako nang makitang tulog na ito habang nakayakap pa ang isang braso sa tiyan ng ama.
“Nakatulog na sa kakahintay sa 'yo,” wika sa akin ni Tred habang hinahaplos-haplos pa nito ang buhok ng anak, pero masama na naman ang tingin sa akin.
Ang sarap lang dukutin ng mata at ipakain sa kanya.
Hindi na lang ako umimik at lumapit na lang sa kama.
Tumabi na lang ako sa anak ko. Pero kung kailan humiga na ako ay saka naman bumangon si Tred at maingat na inalis ang braso ng anak ng nakayapos sa kanyang baywang.
Hindi ko na lang ito tiningnan at pinagmasdan ko na lang ang maamong mukha ng anak ko. Malalim na ang paghinga nito, tulog na tulog na nga. Napangiti na lang ako at hinalikan ito sa pisngi.
Pero matapos kong humalik sa anak ko ay bigla na lang akong hinila ni Tredius pababa ng kama.
“S-Sandali, saan mo ako dadalhin?” Nagmatigas pa ako.
“Sa kuwarto ko, doon tayo matutulog.”
Napapikit na lang ako. Damn it!
Wala akong nagawa kundi magpahila. Alam ko na ang galawan nito, kilalang ko na ang demonyo na 'to.
Pagkapasok sa kanyang bedroom ay hindi nga ako nagkamali dahil bigla na lang kinalabit ang batok ko at walang sabi-sabing siniil ng halik ang labi ko.
Hindi na ako nagulat pa, pero hindi na lang ako pumalag at hinayaan na lang itong halikan ako.
Napakagago pa rin nito humalik, para pa rin hayok na hayok ang demonyo.
Hanggang sa hinapit na nito ang baywang at bigla na lang akong inihiga sa kama.
Parang gusto ko na lang pilipitin ang leeg nito kung puwede lang sana. Pero hindi, dahil kailangan pang umarteng takot ako sa kanya.
Pero hindi ko na matiis pa, dahil hindi na ako makahinga, at pakiramdam ko ay namantal na agad ang labi ko.
“S-Sandali lang…” Itinulak ko na ito sa dibdib.
Napabitaw naman ito sa labi ko at napatingin na sa akin habang habol pa ang paghinga.
“Ano papalag ka?” He asked me out of breath as he looked at me dangerously.
Tingnan mo naman. Napakayabang talaga ng demonyo na 'to, akala mo naman takot pa rin ako sa kanya.
“M-May sakit na kasi ako,” I said weakly and swallowed.
“What kind of illness?” His eyebrows furrowed
“Tulo.”
Mas lalong kumunot ang noo nito sa akin. “What tulo?”
“Gonorrhea.”
“What the f**k! Are you serious?” Singbilis ng kidlat na agad ito napaalis sa ibabaw ko at nanlalaki ang mga mata na akong tiningnan. “When did you get that? Sinong lalaki ang nakahawa sa 'yo? Sabihin mo sa akin kung sino!”
Umiwas na ako ng tingin at pinipigilan na ang mapangisi. “H-Hindi ko na alam kung sino sa kanila. Nagtrabaho kasi ako sa isang club last year.”
“What?” Hindi makapaniwala na ako nitong tiningnan. “At bakit mo ginawa 'yun? Teka, ano ba talaga ang nangyari sa 'yo? Sinong kumuha sa 'yo nung gabing sumabog ang Isla? Akala ko nga patay ka na!”
“H-Hindi ko kilala kung sino. Basta dinala nila ako sa club para pagkakitaan. At doon ko nakuha itong sakit ko.”
“Pwes hindi ka puwedeng tumabi kahit isa man sa amin ng anak ko, doon ka sa kabilang kuwarto! Get out!” galit na nitong pagtataboy sa akin at itinuro ang pinto, talagang nanlaki pa ang mga mata.
Tsk. Ang arte-arte ng hinayupak na 'to, akala mo naman kung sinong malinis at ang lakas kung mandiri sa iba.
“Doon ka sa ikalimang kuwarto matulog!”
Lumabas na lang ako ng room habang lihim na nakangisi.
Ang dali lang pala magdahilan.
Pero sige lang, sa susunod lalagyan ko na ng drama para maiba naman. I know, hindi gano'n kadali makuha ang loob ng demonyo na 'to, dahil walang awa at wala ring pakialam. Pero pasasaan ba't mahuhulog din ito sa patibong ko.
Pumasok na lang ako sa isang bakanteng bedroom at bahagyang natawa nang matapos i-lock ang pinto.
“Within one week, I'll make you fall in love with me. Ipapakain ko sa 'yo ang mga binitiwan mong salita dati na isa lang akong walang kwentang babae. I will destroy you physically, mentally, and emotionally. I will torture you to death and send you to hell. Just wait and see… I will be your worst nightmare, Mr. Ezchrafede,” I said and grinned
Nasisiguro kong akin ang huling halakhak sa misyon na ito. Paluluhain ko ng dugo ang mga dating nagpaluha sa akin...