SIMPLENG white T-shirt, black jogger pants at black slippers.
Ito ang magiging suot ko para umpisahan ang plano ko ngayong araw.
One week lang ang binigay sa akin ni Sir Charles para ma-complete ang aking misyon sa isang demonyong mafia boss, kay Tredius Ezchrafede.
Ito na 'yun… ang pinakahinihintay ko sa lahat. Makakakilos na ako nang naaayon sa gusto ko. Pero hindi ako dapat makampanti sa taglay kong galing sa pakikipaglaban, dapat ay pag-isipan ko nang mabuti ang magiging plano ko para mapagtagupayan ko ito at magiging akin ang huling halakhak.
Hindi ako puwede maging padalos-dalos. Dahil alam ko kung gaano sila kapanganib dahil sa kanilang kapangyarihan sa mundo ng mga sindikato.
Pero ngayon, nakapagpasya na ako kung ano ang maging susunod kong hakbang. Uunahin ko si Tredius Ezchrafede.
Email To Sir Charles: Good morning, sir! I will start my mission today. Huwag ka munang tatawag o mag-text sa akin dahil baka hindi ko rin mabasa. Basta tawagan na lang kita after one week. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mapagtagumpayan ang misyon na ito. Salamat sa tiwala, sir. Palagi ka sanang mag-iingat diyan sa Budapest.
Matapos ipadala ang email ay umalis na ako sa mansyon ni Sir Charles. Ni-lock ko ngabuti ang mga pinto at bintana, pati na rin ang gate.
Hindi ko na ginamit pa ang kotse at sumakay na lang ako ng taxi. Nagpahatid ako sa isang grocery store at bumili ng ilang piraso ng grocery.
Nang matapos sa bumili ay tumambay na ako sa isang sari-sari store na nakabungad sa highway. Bumili lang ako ng soft drinks at tinapay para may mameryenda habang naghihintay.
Around 3PM na rin, hapon na.
Napangisi ako nang makita sa smart watch kong suot na papalapit na ang red dot sa location ko. It's a tracking device—na nilagay ko kahapon sa kotse ng aking target.
“The demon is on his way. Well, well, I'm excited to meet you again, beast,” I said as I grinned.
Tumayo na ako at dinampot na ang supot na naglalaman ng ilang grocery.
Mula sa dulo ng highway ay natanaw ko na ang paparating na red sports car.
“Goodluck, self. Huwag ka sanang mapuruhan,” kausap ko sa sarili ko at huminga pa ng malalim.
Mabilis ang takbo ng kotse kaya agad kong inihanda ang sarili ko. Nang makitang malapit na ito ay wala na akong inaksaya pang oras at tumawid na ako sa highway.
Saktong pagtawid ko ay naramdaman ko na lang ang pagtama sa paa ko, dahilan para matumba ako at tumalipon sa highway ang dala kong supot, nagkalat na ang laman nito.
Pero lihim akong napangisi dahil kahit papaano ay nakapreno agad ang kotse, kaya hindi ako napuruhan.
“Buti nga sa 'yo, tanga! Umalis ka riyan kung ayaw mong masagasaan na talaga!” galit na sigaw ng maangas na boses sa akin. “Bilisan mo bago pa maubos ang pasensya ko!”
Nakangiwi na lang akong tumayo at dinampot ang mga nagkalat na cup noddles. Pero muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa malakas na pagbusina nito sa akin. Lumingon na ako.
Sa aking paglingon ay agad kong nakita si Tredius na parang gigil na gigil habang nakasilip ang ulo sa bintana ng kanyang sasakyan at patuloy na nagbubusina, pero nang makita ako nito ay agad na napahinto at bigla na lang nanlaki ang mga mata.
“Hazel,” usal ng labi nito na tila gulat na gulat nang makita ako.
Kunwari ay nagulat din ako nang makita siya; nanlaki rin kunwari ang mga mata ko at nataranta. Kaya naman imbes na damputin ko pa ang mga nagkalat kong grocery ay paika-ika na akong tumakbo.
Pero hindi pa malayo ang natatakbo ko nang may matigas nang braso ang humuli sa baywang ko.
“Hindi! Ayokong sumama sa 'yo! Bitiwan mo 'ko! Bitiwan mo 'ko!” Kunwari agad akong nagpumiglas sa labis na takot pinaghahampas ko pa ang braso nito.
“Finally, nakita rin kita,” wika nito at binitbit na ako sa baywang.
Nagsisipa naman ako at kunwari ay pinaghampas pa ang braso nito. “Bitiwan mo ako! Ayoko sa 'yo! Ayoko! Tulong! Tulungan niyo ako!” pagsisigaw ko.
Pero para lang akong sako ng bigas na sapilitan nitong ipinasok na sa loob ng kanyang sports car.
“Manahimik ka! Ayaw mo bang makita ang anak mo!” pagalit na nitong sabi sa akin.
Kunwari ay napahinto naman ako, natigilan at napatingin dito. “N-Nasaan ang anak ko? K-Kumusta ang lagay niya? Ayos lang ba siya?”
Napangisi na si Tred at pumasok na rin ito sa driver seat. “Tamang-tama, papunta ako ngayon sa kanyang school para magsundo. Kaya kung gusto mo siyang makita, pwes manahimik ka na lang at sumama sa akin nang mahinahon.”
Pero makumbinsi ako ay umiling pa rin ako. “H-Hindi. Ayoko pa ring sumama sa 'yo!” marahas kong pag-iling at bubuksan na sana kunwari ang pinto para lumabas. Pero hinaklit na ako ni Tred sa braso at sa isang iglap ay naramdaman ko na lang ang malamig na dulo ng baril sa panga ko.
“Sige, magmatigas ka kung gusto mong masaktan,” banta nito sa akin habang nakatutok ang baril sa akin.
Napalunok naman ako kunwari sa takot at natahimik.
Ngumisi na si Tred at binitiwan na ako nito, muli nang sinuksuok ang pistol sa loob ng coat nito. “Kailangan ka pa palang takutin bago umamo,” ngisi nitong wika at pinatakbo na ang sasakyan.
Tumahimik na lang ako, pero lihim akong napangisi. Nagtagumpay ako sa unang hakbang, ang dali lang pala magpanggap na natatakot.
Makalipas ang ilang minuto ay huminto na kami sa harap ng gate ng grade school. Pero hindi pa labasan ng mga estudyante dahil maaga pa.
Bumaba na si Tred at sinenyasan na rin ako nitong bumaba na. Pero imbes na bumaba ay iniwas ko lang ang tingin ko, yumuko ako at nanatili sa loob ng kotse. Kaya naman umikot na lang ito sa kabila at pinagbuksan ako.
“Huwag ka nang mag-inarte pa, bumaba ka na at dito maghintay sa labas,” pagalit nitong wika sa akin nang mapagbuksan ako.
Wala na akong nagawa kundi bumaba.
“Siguradong matutuwa si Anzhelika kapag nakita ka, kaya ngumiti ka. Ayokong ganyan ang itsura mong humarap sa anak ko.”
Tumango na lang ako nang hindi nakatingin dito. Tamang yuko lang ako. Napatikhim na lang ito namulsa na lang, sumandal na sa kanyang kotse at tumahimik, pero ramdam kong pinagmasdan ako. Ang kanyang mga tauhan ay nakababa na rin sa kanilang mga sasakyan at nagsikalat na sa paligid ng school.
Bukod pa pala ang tauhan na kasama niya at mga nakabantay sa loob ng school, dahil mula rito sa labas ay kitang-kita sa loob ng campus ang apat na lalaking nakasuot na nakatayo sa labas ng isang room.
“Where have you been for the past five years? Saan ka nagtago at hindi kita mahanap-hanap?” he asked me.
Ngunit hindi ako sumagot at nanatili lang tahimik.
Napabuntong hininga na lang ito at hindi na nag-usisa pa sa akin.
Hindi nagtagal ay nagsilabas na ang mag estudyante. Hanggang sa narinig ko na ang boses ng anak ko.
“Daddy!”
Para akong natulos sa aking kinatatayuan, bigla akong dinambol ng matinding kaba. Hindi na kunwari lang kundi totoong kaba na ang aking naramdaman. Nabalisa ako bigla.
“Hi, sweetheart!” Agad na itong sinalubong ng kanyang ama at binuhat. “I have a big surprise for you. And I'm sure, magugustuhan mo ang surpresa ni daddy ngayon.”
“Wow, really? What is it, dad?”
Napalunok ako nang humakbang na si Tred palapit sa kinatatayuan ko. Hanggang sa tuluyan na itong huminto sa harap ko.
Mula sa pagyuko ay unti-unti nang umangat ang mukha ko. Hanggang sa tuluyan nang napako ang tingin ko sa mukha ng anak ko.
“Who is she, dad?” may pagtataka nitong tanong sa ama habang nakatingin sa akin.
Nag-umpisa nang humapdi ang mga mata ko. Sa wakas, nakaharap ko na rin ang anak ko.
Pero bakit ganito, hindi ako makakilos. Hindi ko alam kung paano ibuka ang bibig ko para magpakilala. Basta nangilid lang ang luha sa mga mata ko at parang nanginig na ang labi ko habang nakatingin sa anak ko na ngayo'y nakatingin din sa akin.
“She's your mom, sweetheart.”
Nasaksihan ko kung paano namilog ang mga mata at labi ng anak ko nang marinig nito ang sinabi ng kanyang ama.
“Mommy! Mommy ko!” pagtawag na nito sa akin bigla na lang akong inabot, yumapos na sa leeg ko.
Doon na bumuhos ang emosyon ko at niyakap na ito.
“Anak ko…” I sobbed. Niyakap ko na ito nang mahigpit. “I missed you so much! And I love you so much!”
“I love you too, mommy ko! I'm so happy to finally meet you! I missed you too!” sagot ng anak ko habang nakayakap sa akin.
Mas lalo akong napaiyak, nawalan na ako ng pakialam sa paligid.
“I'm sorry kung ngayon lang si mommy, anak. I'm really sorry!”