KABANATA 3

1759 Words
NAPANGISI ako sa salamin matapos kong ayusan ang sarili ko. Hindi ko na itinali pa ang hanggang baywang kong buhok, pero ginawan ko na ng bangs ang sarili ko para mag-match sa outfit kong suot na red kimono. Narito na ako sa dynasty island at kasalukuyang nasa loob ng dressing room, hinihintay na lang na tawagin ang codename ko. Ilang sandali pa ay nag-red light na ang taas ng nakasaradong pinto, hudyat na tapos na ang kasalukuyang laban at ako na ang susunod. Tumayo na ako at itinali sa kalahating mukha ko ang pulang tila para magsilbing maskara ko. Nang matapos itali ang tila ay dinampot ko na ang aking samurai at tumayo na sa bungad ng pinto. A few minutes later, the door finally opened. Awtomatiko itong bumukas, at kasabay ng pagbukas ng pinto ay narinig ko na ang pagtawag sa aking codename: Red Parrot. Napangisi ako at lumabas na, nilakbay ko na ang mahabang hallway na may kadiliman. Sa paglabas ko ng hallway ay bumungad na sa akin ang malaking ring sa pinakagitna ng arena, at nakapalibot naman ang mga audience na nakaupo, pero hindi makita ang mga mukha dahil sa suot na maskara. Ang makakalaban kong lalaki ay nakatayo na sa loob ng ring habang suot ang ninja outfit nito at hawak ang kanyang espada. Hindi ako dumiretso agad sa ring, bagkus ay umikot muna ako sa paligid at pinagmasdan ang bawat lalaking nakaupo sa harap. Nang makita ang hinahanap ng mga mata ko ay napangisi na ako; kahit nakamaskara ang mga ito at kalahati ng mukha ang natatakpan ay nakilala ko pa rin. Hinding-hindi ko makakalimutan ang bawat mukha nilang lahat dahil nakakatatak na 'yun sa utak ko—kung paano nila ako pinagpasa-pasahan dati. Sandali akong huminto sa kanilang harap at tiningnan silang dalawa. Dahil sa paghinto ko ay nakuha nila ang atensyon ko at napatingin din sa akin. Pero agad na umarko ang kilay nang mapansin na dalawa lang sila. Nasaan na ang tatlo? Ah oo nga pala, nabaril ni Sir Charles ang isa nung gabing 'yun, malamang patay na. Pero 'yung dalawa, bakit wala? Buhay pa ba o baka patay na rin? Nakakatawa, mukhang dalawa na lang yata sila na natira sa kanilang grupo. “What are you looking at?” maangas na wika sa akin ng isa sa kanila dahil sa paghinto ko sa kanilang harap at pagtingin sa kanilang dalawa. “Why? You wanna fight with us?” paghamon na tanong naman sa akin ng isa, si Tredius. Talagang napakayabang pa rin. Kung sino pa ang mas demonyo ay sila pa ang natira. Totoo nga ang kasabihan na kapag masamang damo ay matagal mamatay. Pero pasasaan ba't pinasok ko ang laro na 'to kung hindi ko rin naman sila mapapatay? Not now, but soon… I will kill them, one by one. Ngumisi lang ako sa kanilang dalawa, pero hindi naman nila makita dahil natatakpan ng pulang tila ang labi ko. Umakyat na ako sa bakal na hagdan papunta sa loob ng ring. Ngunit pagpasok na pagpasok ko pa lang ay sinugod na ako ng kalaban ko gamit ang espada nito, mabuti na lang ay mabilis akong makakilos at naiharang ang samurai ko. Nagtagisan na kaming dalawa gamit ang samurai at espada. Malakas din ito, kaya bahagya akong napaatras habang nilalabanan ang pagdiin ng espada nito sa samurai ko. “Do you think a woman like you can kill me?” mayabang na tanong nito sa akin. I chuckled. “Yes, of course I can. I can kill you, idiot!” inis ko nang sagot at sinipa na ito ng malakas sa tiyan. Napaatras naman ito dahil sa pagsipa ko, pero hindi natumba dahil mabilis na nakabalanse. Hanggang sa muli ako nitong sinugod at naglabanan na kaming dalawa. Ginamit ko na ang natutunan kong galing kay Sir Charles; hindi ko na pinatagal pa ang laban at tinapos ko na ang kalaban ko. I slashed his body with my samurai. Kung maaari ay ayoko maging brutal. I just want to kill him, dahil iyon ang misyon ko. At hindi ko naman tatanggapin ang misyon na 'to kung hindi masamang tao ang papatayin ko. Pero ayon sa nalaman ko, itong lalaki ay marami na palang kaso ng pagpatay sa labas at panggagahasa sa mga inosenteng estudyante. Kaya tama lang ang utos sa akin ni boss na ipapatay na ito. Nang bumagsak na ito ay humihinga pa, pero hindi ko na pinatawad pa. I cut off his right arm. Napahiyaw ito sa sakit kahit nag-aagaw hininga na. Naghiyawan naman ang mga nanonood dahil sa ginawa ko. “You are the best, Red Parrot! “That's it! Kill that bastard!” “Red Parrot! Red Parrot!” pagsisigaw na nila sa codename ko na tila ba proud na proud. Nang maputol ko ang braso ng lalaki ay umayos na ako ng tayo at agad na bumuwelyo bago malakas na ibinato ang putol na braso palabas sa ng ring. Tumama iyon sa dibdib ng isang lalaking nakaupo, walang iba kundi si Tredius. Bigla itong napatayo sa kinauupuan na tila nagulat at hindi makapaniwala na tumingin na sa akin. Kahit natatakpan ng maskara ang mukha nito at malayo sa akin ay kitang-kita ko sa mga mata nito ang galit dahil itinuro na ako, 'yung klase ng pagturo na parang nagbabanta. Pero imbes na matakot ay ngumisi lang ako at binalikan na ang nakahandusay kong kalaban. I cut off his head with my samurai. Naalis na ang tilang itim na nakabalot sa ulo nito nang maputulan ko, at bumungad na sa akin ang mukha ng lalaking may balbas. “Pasensya ka na kung ganito ang sinapit mo sa mga kamay ko. Pero itong ginawa ko sa 'yo, isa 'tong paghihiganti sa mga babaeng binaboy mo at pinatay. Ako na ang gaganti para sa kanila,” ngisi kong pagkausap dito at dinampot na ang ulo nito sa kulot nitong buhok. Nang mahawakan ang ulo ay tumakbo na ako papunta sa bakal ng ring at mabilis na umakyat. Itinaas ko ang kamay ko at pinakita sa mga audience ang ulo. Halos hindi na magkandaugaga ang mga ito sa kakasigaw na akala mo'y nawawala na sa kanilang katinuan. Tuwang-tuwa ang mga demonyo. Ngumisi na lang ako at muling tumingin sa puwesto ng dalawang lalaki. Nakatayo pa rin si Tredius habang nakatingin sa akin. Kaya naman wala na akong sinayang pang pagkakataon at malakas ko nang binato ang ulo papunta naman sa katabi nito. Tumama ang pagbato ko sa maskara nito at nagsilakan pa ang mga dugo. Pero dahil sa pagbato ko ng malakas ay nahulog ang suot nito maskara, dahilan para makita na pagmumukha nito. At hindi nga ako nagkamali ng hula dahil si J-Cloud nga. Napatayo rin ito nagliyab na rin ang mga matang tiningnan ako. Pero ngumisi pa rin ako at itinaas na ang isa kong braso bago pinatayo ang aking middle finger para makita nilang dalawa at malaman nilang hinahamon ko sila ng laban. Mas lalong lumakas pa ang hiyawan sa loob ng arena dahil sa pagtaas ng middle finger ko sa kanilang dalawa. Kitang-kita ko kung paano nagtagis ang kanilang mga bagang at nagliyab ang mga mata habang ang mga suot na suit ay pareho nang may dugo dahil sa pagbato ko. Alam kong bawal silang pumasok dito sa loob ng ring nang walang pahintulot sa RG. Pero hindi, kailangan kong masubukan kahit saglit lang kung paano sila makipaglaban. Kaya naman para mas lalo pa silang mainsulto at manggigil sa akin ay itinaas ko naman ang thumb ko at pinaulo ito pababa; it's a loser sign. Doon na nasagad si Tredius dahil hinubad na nito ang suot na coat at patapon na binitiwan bago umakyat ng bakal na hagdan, gano'n din si J-Cloud. Nagsigawan na naman ang mga audience. Sinigaw na ang kanilang codename. “Hellish Men! Hellish Men!” Kaya naman bumaba na ako sa pag-akyat sa baka at dinampot na ang samurai ko. Kaya lang bago pa makapasok si Tredius at J-Cloud sa loob ng ring ay tumunog na ang malakas na alarm. At may mga lumabas ng mga tauhan ng RG na naka-black suit at tinutukan na ng baril silang dalawa, kaya naman napahinto sa tangkang pagpasok. Sayang naman… “Korosu-zo!” sigaw sa akin ni Tredius sa salitang japanese. Hindi ko iyon maintindihan, pero tila isang pagbabanta. Humakbang na ako papalapit sa pinto ng ring kung saan si Tredius nakatayo at nakatingin sa akin, hindi lang makagalaw para pumasok dahil may mga baril na nakatutok. Huminto ako sa harap nito at tiningnan ito. “I'm not Japanese, so I don't understand what you're saying. Pero sayang nga lang… hindi pala tayo puwede maglaban ngayong araw. Gusto ko sanang iuwi ang walang kwenta mong ulo.” Tumango-tango ito at mapaklang natawa sa sinabi ko, 'yung klase ng tawa na naaasar na pero nagtitimpi na lang dahil isang maling galaw niya lang ay maaari siyang paputukan ng mga staff ng RG. “Sige, tatandaan ko ang araw na 'to. At gagawa ako ng paraan para maglaban tayong dalawa sa susunod na laro. Tingnan natin kung kanino ulo ang hihiwalay sa kanyang katawan. Isa ka lamang walang kwentang babae, mahinang nilalang. Kaya 'wag kang magyabang, dahil oras na makaharap kita sa susunod na laro, hindi lang kita pupugutan ng ulo, kundi pagpira-pirasohin ko pa ang katawan mo. Kakatayin kita na parang isang baboy. Tandaan mo 'yan,” pagbabanta nito bago tumalikod at bumaba na ng hagdan na bakal ng ring. Napatingin naman kay J-Cloud na itinaas pa ang kanyang middle finger sa akin, so tinaas ko rin ang akin; tila nanghahamon din ito bago umalis. Napangisi na lang ako at lumabas na rin ng ring habang hawak ang aking samurai na may dugo pang tumutulo sa talim nito. Nanalo ako sa laro at matagumpay na nakaalis ng dynasty island dala ang pera na aking napanalunan. Bumalik na ako sa aming hideout na Isla. “So, kumusta ang naging laban mo? Hindi ka naman ba nasugatan?” tanong ni Sir Charles nang tawagan ako nito sa phone. “Hindi, sir. Hindi ako nasugatan kahit konti.” “Good. And congratulations, Red Parrot!” I smiled. “Thank you, sir!” “Nga pala, baka magtagal pa ako rito ng 2 weeks. May panibagong misyon na binibigay sa 'yo si boss. At siguradong magugustuhan mo ang misyon na 'to.” “Ano 'yun, sir?” “Kunin mo sa isang mafia boss ang files ng kanyang mga illegal na transaction. And after that… you can kill him.” “Sinong Mafia boss, sir?” “Tredius Ezchrafede.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD