3 Weeks Later . . . Sa loob ng tatlong linggo ay para akong isang bilanggo sa piling ni Azelio. Mas malala pa ako sa isang hayop kung pakitunguhan niya. Nakaposas lang naman ang mga kamay ko buong araw, kinakalagan lang niya ako kapag pakakainin na. Pero kapag wala siya sa mansion at tanging mga katulong lang bantay ko ay mahigpit lang niyang ibinibilin sa mga ito na subuan na lang ako at huwag na huwag pakakawalan sa aking pagkakadena, dahil kung may magtangka mang pakawalan ako ay papatayin niya. Pakiramdam ko ay para akong bumalik na naman sa dati, ’yong dating Hazel na walang magawa kundi ang umiyak dahil wala pa rin kakayahang lumaban. Ang sakit na ng mga braso ko dahil sa pagkakaposas ko, parang nagkaroon na nga ng kalyo ang mga pulsuhan ko dahil sa posas. Gayunpaman ay mas pinili