KINABUKASAN ay na-discharge na rin ang anak kong si Anzhelika sa ospital. Pero talaga nga naman ang hirap magpaliwanag sa isang bata na gusto nang makita ang kaniyang ama at makasama muli. Halos maubusan na ako ng dahilan sa pagpapaliwanag sa anak kong si Anzhelika tungkol sa ama nito na hindi pa niya puwedeng makita dahil busy pa sa trabaho at nasa ibang bansa pa. Si Enrico ay kinukulit naman ako at nagtatanong na rin sa kaniyang daddy; dahil nga magkapatid sila ng kaniyang Ate Anzhelika ay kailangan din daw niya makita ang kaniyang daddy. Sumakit yata ang ulo sa pagsisinungaling ko sa mga anak ko, dahil naubusan na ako ng idadahilan. Naaawa na rin ako sa anak kong si Anzhelika dahil nabalitaan ko kay Manang na nakadalawang beses na pala itong dinala sa ospital dahil palagi raw nilal