AGAD akong dinala ni Azelio sa ospital at pinaalis ang bala sa braso ko. At kahit papaano ay nabawasan pagkahilo ko nang magamot na ang braso ko at muli akong nakainom ng tubig. Ngayon ay lulan na ako ng kotse ni Aze at pauwi na dahil tapos na akong magamot sa ospital. “Sinong bumaril sa braso mo?” Azelio asked me. “Hindi ko nakilala,” walang buhay kong sagot habang nakatanaw lang sa bintana ng kotse. “Saan lugar ka nung binaril ka? Paiimbestigahan ko para malaman ko kung sino ang hayop na bumaril sa 'yo. I will make him pay for what he did.” Imbes na sumagot muli ay pinikit ko na lang ang mga mata ko dahil medyo nanghihina pa ako, parang naubos ang lakas ko dahil sa pagkababad ng bala na 'yun sa braso ko nang matagal. Minutes later, naramdaman ko na ang paghinto ng takbo ng sasakyan