Masayang natapos ang lunch namin. Pagkaalis ng restaurant ay hindi kami umuwi agad dahil dinala pa ni Sir Charles ang dalawa kong anak sa toy store at ibinili ng mga laruan. Masayang-masaya naman ang dalawa kong anak na nagkasundo agad, magkahawak-kamay pa habang nasa loob kami ng toy store. Parang may humaplos naman sa puso ko, dahil napakasarap pagmasdan ng mga anak ko, napaka-cute, talagang ate na ang tawag ni Enrico sa kanyang nakatatandang kapatid. Kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalala ko sa anak kong si Anzhelika dahil hindi na ito naalala pa ang kanyang ama, tuluyan nang nalibang sa nakababatang kapatid. Umuwi kami sa mansyon ni Sir Charles kasama na si Manang Lucia. Sabay pa kaming nag-dinner nang sumapit ang gabi. Nang matapos mag-dinner ay hinintay ko pang makatulog ang da