'Yung kaba ko ay lumakas habang nakikipaghabulan kay Azelio. Hindi naman sa kinakabahan ako dahil makakaharap ko na ito, of course, nakahanda na rin naman akong harapin siya. Kaya lang hindi pa puwede dahil kasama ko pa ang anak kong si Anzhelika, dapat ay madala ko muna ito sa isang safe na lugar. Inabot yata ng halos kalahating oras ang habulan namin sa highway bago ko ito tuluyang nailigaw at hindi na nakahabol pa. Dinala ko naman ang anak ko sa mansyon ni Sir Charles. Pero pagdating ng gabi ay naghanap ito sa ama, pinipilit akong tawagan ko dahil gusto na raw niyang makita ang kanyang daddy. Mabuti na lang ay nagdahilan na lang ako na hindi pa ito puwedeng makausap sa ngayon dahil busy pa sa mga business nito. Kahit papapano ay tumigil naman ang anak ko sa pangungulit tungkol sa kany