Hindi ko magawang ihakbang ang aking mga paa, para umalis na ng kaniyang opisina. "Ano ba ang kailangan kong gawin para magustuhan mo ulit ako?" Huh? Akala ko ba gagawin niya ang lahat? Tapos ngayon tatanungin niya ako kung ano ang kailangan niyang gawin? That's for you to find out. "You don't need to do anything, Sir. I can't like you." He sighed and massage his temple. "Kung normal na empleyado lang ba ako, hindi ka ba magbabago?" Nagulat ako sa tanong niya. Yes, no, maybe? Pero una pa lang naman wala na akong plano na magkaroon kami ng relasyon. Kaya nga hindi ako tumuloy sa Delmar dahil akala ko doon siya nag-w-work. "Hindi pa din?" Nahihimigan ko ang pagkayamot sa kaniyang boses. "So ginamit mo lang ako?" Iyong panlilibre ba niya ang tinutukoy niya? Pero siya naman 't