Napaungol ako nang marinig ko ang alarm ng aking celphone. Alas-sais na. In-adjust ko kagabi ang alarm clock ko, dahil masama ang aking pakiramdam. Plano kong pumasok ng late ngayon. Kinapa ko ang aking celphone sa gilid. Pinatay ko ang alarm, pero ang napindot ko pala ay accept call. Tumatawag sa akin si Ardent! Agad ko din itong pinatay. Pero segundo lang, tumawag ulit siya. "Hello?" "May sakit ka?" Ba't niya natanong? "Papasok ako. Maliligo na ako, sandali lang." "It's already eleven," sagot naman niya na kinagulat ko. Pagtingin ko sa wall clock, alas-onse na nga ng tanghali. "s**t!" "Magpahinga ka na lang muna. Nabigla ka siguro kahapon, kaya ka nagkasakit. Hindi ka pa dapat pumasok kasi." Nahiga ulit ako. Hindi na lang muna papasok ngayon. Bukas na lang ako papasok. "