Pagkatapos niya akong paliguan, siya na din ang nagtuyo ng basa kong katawan. Binalot niya ang katawan ko ng towel saka ako binihisan ng pantulog ng damit. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin itong aking mga suot. Wala naman akong baon na damit nang magpunta ako ng ospital. "Kanino itong mga damit?" "Sa'yo," maiksing sagot niya habang sinusuotan ako ng panty. Yes, siya na din ang nagsuot nito sa akin. Hinayaan ko na lang siya, dahil masakit ang kamay ko na mayroong suwero. "Sa akin o ang mga babae mo?" Nangingiti siyang umiling. Kalaunan ay natawa siya. "Ano'ng nakakatawa?" "Wala. Wala pa akong babae na nakatunton dito o sa kahit saang bahay na tinutuluyan ko." Umismid ako. Hindi naniniwala. "Hindi ko sila dinadala sa bahay ko o sa kuwarto na tinutulugan ko." Hindi pa din a