HOTTIE BOYFRIEND

2533 Words

Lumabas siya sa banyo na nakatapis lang ng towel. Nakangisi ito at para bang nagpapatakam, kaya inikutan ko siya ng mga mata. Natatawa naman siyang pumasok sa loob ng kaniyang walk in closet at ako naman ay pumasok na din ng banyo upang maligo. Sabay kaming nag-breakfast sa may balcony. Punong-puno ang mesa. May charcuterie pa. May isang maliit na slice ng cake at may nakasulat sa gilid ng plato na she said yes. Nakalagay din doon ang date ngayon. Kinuhanan niya ito ng picture. Para saan? Para matandaan ang monthsary namin? Tahimik lang akong kumakain. Kunwari walang pakialam, samantalang punong-puno naman ng tuwa ang kaniyang mukha. "Ang dami mong pinahanda, mauubos ba natin 'to?" reklamo ko nang mabusog na ako. Sobrang daming natira. "I'll give it to some of the condo staffs."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD