Dumating na ang kausap ng mga boss namin, kaya hinayaan nila kami na mag-enjoy sa mga activity dito sa resort. Pagkatapos naming sumakay sa banana boat, nag-aya naman sila na sumakay sa jet ski.
"Kayo na lang muna!" sabi ko sa kanila, dahil nakita ko ang magaling na lalake sa may pampang. Umiinom ng buko juice habang nakangisi na nakatingin sa akin.
He's making me uncomfortable.
Nang makaalis ang mga kasama ko, lumapit na din sa akin ang lalake.
"You want?" tanong niya. Inaabot niya sa akin ang buko.
Umirap naman ako. "Ano ba ang kailangan mo sa akin? Huwag mong sabihin na tumambay ka lang dito dahil feel mo..."
Ngumisi siya. "Maniningil ako."
"Sabihin mo kung magkano, para matapos na ang usapan na 'to. Tapos huwag mo na akong malapit-lapitan."
"I want you in my bed," he cockily answered.
Napanganga naman ako. Hindi makapaniwala sa sinabi niya. Did I hear it right?
"You're just bluffing, right?"
Marahan siyang umiling. "I want you in my bed," ulit niya. Napasinghap ako.
"Hindi puwede!"
"Iyon lang ang gusto ko. Ayaw ko ng pera mo. I'm sure you don't have enough money to pay me the right price."
"That will never happen."
"Hmmm... I guess, you'll always see me around."
"That's harassment," naiinis kong sambit pero umiling siya.
Ngumuso siya. Sinipsip niya ang straw na para bang nang-aasar. Inikutan ko naman siya ng mga mata.
"Kung bored ka lang, ang daming babae diyan."
"Ikaw ang gusto ko," diretsahan naman niyang sagot. Why me?
"Bakit ako?" Mas madami namang di hamak na mas maganda at mas sexy na babae kaysa sa akin. Hindi naman siguro siya bulag.
"Ikaw ang gusto ko, e. And besides, we have an unfinished business. You owe me."
"Bahala ka diyan. Hindi iyan mangyayari. Hindi na mauulit ang nangyaring iyon."
"Hmmm, why?"
"Dahil ayaw ko! Umalis ka na nga! You're presence is making me sick!"
"Woah! You're the first woman to tell me that."
Ginalaw ko ang ulo at pairap siyang tiningnan. Iniwan ko siya dahil nakita kong pabalik na ang mga kasama ko. Baka mamaya kung ano pa ang isipin nila sa akin. Baka isipin nila na nakikipaglandian ako, na may pasabi-sabi pa ako na hindi kasama sa priority ko ang paghahanap ng jowa, tapos heto ako at ine-entertain 'tong si Mr. hot. Or baka iba pa ang isipin nila, kasi sino ba naman ako, di ba? Kayang-kaya niyang kumuha ng ibang babae, na di hamak naman na mas better sa akin.
IT'S LUNCH TIME. Dahil ilang oras kami sa arawan, sa buffet kami kumain para may aircon.
"Ano na naman?" mahina ngunit may inis na tanong ko sa lalake. Bigla na lang na naman sumulpot.
"Seven pm tonight at my hotel room." Nanlaki ang mga mata ko.
"No," matigas kong sagot. Sinusubukan ako ng lalakeng 'to, huh.
Akala siguro niya easy to get ako. Pwes! Noon iyon, hindi na ngayon.
Iniwan ko na siya dahil puno na ang plato ko. Bumalik ako sa mesa namin. Napansin ko ang mga kasama ko na nakanganga habang nakatingin sa akin.
"Girl, ang haba ng hair mo."
"Sus! May tinatanong lang sa akin. Familiar daw mukha ko. Baka nakita na niya ako dati sa dati kong work."
Parang hindi naman sila naniniwala sa akin, pero hindi ko na dinagdagan pa ang sinasabi ko.
Pagkatapos kumain, nag-ikot ikot kami at kumain ulit. Lahat ng mga pagkain na bago sa amin ay sinubukan namin.
Hanggang sa umabot na ng hapon. Hindi pa bumabalik sina boss. Baka bukas na mag-resume ang ibang activity namin.
It's already five in the afternoon. Nakaupo kami sa dalampasigan at naghihintay sa paglubog ng araw.
Kumuha kami ng ilang pictures bilang remembrance. Ang ibang kasama namin ay nakikihalubilo sa ibang turista. Ang iba ay nag-a-afam hunting naman.
"Mag-restroom lang ako," paalam ko nang hindi ko na talaga mapigilan ang tawag ng kalikasan.
Pumasok ako sa restaurant na malapit para makigamit ng restroom. Paglabas ko, nadatnan ko ang lalake na naghihintay.
"Hindi ka ba talaga titigil?" may yamot sa boses na tanong ko.
"No," sagot naman niya.
"Hindi ako pumapayag sa gusto mo. Nagsasayang ka lang ng oras sa akin."
"Let's see about that," sabi naman niya. Malakas ang tiwala sa sarili niya, pero hindi. Hindi niya ako mauuto. Abangan niyang malasing ako, pero malabong mangyari iyon dahil hinding-hindi na ako iinom.
"My hotel room number is 318. Maghihintay ako," sabi niya bago kumindat at umalis.
I scoffed. Sa ibang babae magagawa niya iyan, pero sa akin, hindi.
Maaga kaming kumain ng dinner dahil napagod talaga kami. Plano naming magpahinga na muna ngayong gabi at bukas na lang ng gabi lumabas para mag-bar.
Nakaligo na ako at nagpapahid na ng night cream nang may mag-door bell.
Nakahiga na ang iba kong kasama, kaya ako na lang ang tumayo para tingnan kung sino ang tao na nasa pintuan. Baka sina boss... Pero laking gulat ko nang makita ko ang lalakeng nakangisi sa labas ng pintuan.
Nanlalaki ang mga mata mo, habang cool na cool naman siyang nakasandal sa dingding. Guwapo nga pero nakakabanas naman.
"Sino iyan, Beryl?" tanong ng kasama ko, kaya nataranta akong nagsarado ng pinto.
"Wrong door," sabi ko.
"Ah...May bibilhin lang pala ako," sabi ko. Dinampot ko ang bag ko sa gilid. Pero bago pa ako makalabas, tumunog na naman ang doorbell.
Hindi ko na nakita ang nagtatakang reaksyon ng mga kasama ko.
"Ano ba?!" inis kong sabi sa lalake na mayroong satisfied na ngiti sa labi. Hinawakan niya ang bewang ko pero hinampas ko ang kamay niya.
Sumakay kami sa elevator. "Mag-uusap lang tayo pero hindi natin gagawin ang gusto mo!" sabi ko sa kaniya, pero nakakalokong ngisi lang ang binigay niya sa akin. Nakarating kami sa third floor.
Naghilaan pa kami papunta sa kaniyang hotel room. Hinihila niya ako papunta sa pintuan niya, habang hinihila ko naman siya sa may lounge na nasa dulo.
"Ano ba?! Hoy!" sigaw ko nang basta na lang niya akong buhatin. Para akong isang sakong bigas na walang kahirap-hirap niyang sinampay sa kaniyang balikat.
"Ibaba mo ako!" reklamo ko pero sa loob na ng suite niya ako binaba.
Napasinghap ako nang makita ko ang loob ng suite. Gaano ba kayaman ang lalakeng 'to? Mahal ang per night dito. Mayayaman lang ang makaka-afford nito.
"You want a drink?" alok niya. Lumapit siya sa may bar counter at nagsalin ng alak.
"Kumain ka na ba?"
"Hindi ako sumama sa'yo para mag-inom at kumain," sabi ko habang nakapamewang.
"Chill, we'll get there. Mamaya na tayo magkainan." Namula ang mukha ko sa inis at galit.
"That's not what I meant!
Hindi na mauulit ang nangyari ng gabing iyon! Nandito ako para bayaran ka! Magkano ba ang gusto mo?!"
Tumawa siya. "Hindi mo ako kayang bayaran," sabi niya.
Lumapit siya sa akin. Inabutan niya ako ng isang baso ng alak. Pero hindi ko tinanggap.
"Hindi ka malalasing diyan," sabi niya.
Tinanggap ko pero binaba ko din agad sa mesa. Tumabi siya sa akin kaya umusod ako hanggang sa nadikdik na ako sa dulo ng couch.
"Ano ba?!"
Natigilan ako nang haplusin niya ang pisngi ko. Para akong nakuryente sa mabining pagdampi ng kaniyang balat sa aking pisngi.
"W-What are you doing?" kinakabahan kong tanong. Titig na titig siya sa akin at hindi ako komportable. Self, huwag kang marupok.
Tumaas ang magkabilang sulok ng kaniyang labi.
"Do you have a boyfriend?" magaspang ang boses na tanong niya.
Sumimangot ako.
"Hindi ka pa naka-move on sa ex mo na iniyakan mo ng gabing iyon?"
Hindi ako sumagot.
"O nakipagbalikan ka sa kaniya?"
Sumama ang timpla ng aking mukha. He chuckled upon seeing my reaction.
"So, you're single now, huh?"
Tumayo ako. "Inaantok na ako," sabi ko. "Subukan mong magpunta na naman sa hotel room ko, i-re-report kita sa security."
Sexy siyang tumawa.
"Matutulog na ako. Huwag mo na ulit akong guguluhin!" banta ko habang nakaduro sa kaniya.
"Dito ka na lang matulog," he offered.
"No thanks!"
Nakalabas na ako ng suite niya nang sumunod siya.
"Saan ka pupunta?"
"Susundan kita. Hindi pa tayo tapos mag-usap."
"Ano ba talaga ang gusto mo sa akin, huh?!"
"Alam mo kung ano ang gusto ko," nakangisi niyang sagot.