Hindi ako natutuwa pero wala din akong nagawa kung hindi bumalik sa couch at umupo. Alam ko na hindi nagbibiro ang lalakeng 'to. Hindi din ako makakatulog knowing na nasa labas lang siya. And also, ayaw kong malaman ng mga kasama ko na kilala ko ang lalakeng 'to.
Nakangiti siyang bumalik sa pagkakaupo sa tabi ko. Muli niyang binigay sa akin ang isang baso ng alak.
Sumimsim ako dito. Kaunting-kaunti lang dahil iniiwasan ko talagang uminom.
"Mag-inom tayo," sabi niya. Muling nagsalin ng alak sa kaniyang baso.
I sighed. "No. I can't drink. Hindi na ako umiinom," sagot ko naman.
"Kapag ako ang kasama mo, puwede kang mag-inom," sagot niya. Nakangisi. Ang walang hiya kong puso, kanina pa tumatalon-talon dahil sa klase ng ngisi ng lalakeng 'to. Nakakagayuma talaga ang ngisi niya. Kalma, Beryl.
"Kasamahan mo sa trabaho iyong mga kasama mo?" Ayaw kong magsabi ng kahit kaunting impormasyon about my personal life, pero wala naman kaming ibang puwedeng mapag-usapan kaya tumango na lang ako. Kaysa mapunta na naman sa s*x ang topic namin.
"Hanggang kailan kayo dito?"
"One week," I lied. Last day na namin dito bukas. Sa susunod na araw, uuwi na kami ng mga eight am. Nami-miss ko na ang anak ko. I can't wait to hug and kiss her.
"Oh. Ibig sabihin magkakasama pa tayo ng ilang araw." Magkakasama?
Napatitig ako sa guwapong mukha niya, kung saan nakuha ni Precia ang magandang mukha. Good genes.
Nagtaas siya ng kilay nang mapansin na titig na titig ako sa kaniya.
"Ganiyan mo ako titigan nang gabing iyon," sabi niya habang may satisfied na ngiti sa mga labi.
"Wala akong maalala. Lasing na lasing ako, kaya nga hindi kita nakilala agad," sabi ko naman.
"Ako? Makakalimutan mo? That's a lie."
Ang yabang talaga.
"Well..." Nagkibit ako ng balikat. "Ako, bakit naaalala mo pa ako? I'm just a normal face. I'm sure you're used to one night stands."
Sexy ang paraan ng pagdila niya sa kaniyang upper lips. And I liked it. Gosh! Hindi talaga magandang idea na makasama ang lalakeng ito sa close space. Nakakaakit siya.
"I don't fvck virgins..."
Oh. So, ako ang first virgin na naka-s*x niya?
Bakit niya tinuloy? Hindi pala niya alam
na virgin ako. Nalaman lang niya dahil nawasak na niya ang hymen ko.
"Virgins are clingy."
"Oh. You fvck and run?"
Tumawa siya. "Ako ba ang gumawa n'on?" tanong niya pabalik. Ako nga pala ang unang umalis, nang hindi nagpapaalam.
"And you got the guts to runaway and pay me!"
Tinungga ko ang alak.
Tumawa ako. Tumawa din siya kalaunan. Pailing-iling at muling nagsalin ng alak sa aking baso.
"Ayaw mo pala ng clingy, e, di ba dapat matuwa ka sa ginawa ko? May five k pa, saan ka pa?" Fvck and run, tapos siya itong lumapit sa akin.
"We should ignore each other then," I said while looking at the wine glass in my hand.
Umiling siya. "As I've said. I feel really insulted. Kaya pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin." Heto na naman kami, back to s*x na naman ang topic.
"May regla ako," sagot ko. Tumayo ako para lumipat sa kabilang couch. "Inaantok na talaga ako. Matutulog na ako. Huwag mo akong molestiyahin. Sinasabi ko sa'yo!"
Nakangisi lang siyang nakatingin sa akin. Nahiga ako. Walang pakialam kahit nakatingin siya sa akin. Napagod talaga ako sa maghapon. Inaantok na talaga ako.
Nang magising ako, may nakabalot na sa akin na kumot. Bukas din ang mga dim lights na nasa dingding. Alas-tres na ng madaling araw.
Ang lalake ay nakaupo pa din sa puwesto niya kanina. Nakapatong ang laptop sa kaniyang hita.
"Bakit hindi ka pa natulog?" inaantok kong tanong.
"I'm working," sagot naman niya. Sinulyapan lang niya ako sandali bago muling nagtipa. Mabigat pa ang mga mata ko kaya muli akong nakatulog.
Nang magising ulit ako, alas-singko na ng umaga. Tulog na din ang lalake kaya sinamantala ko na ding umalis at bumalik ng room namin. Sana tulog pa ang mga kasama ko. Ayaw kong pag-isipan nila ako ng hindi maganda.
Nakahinga ako nang maluwag nang madatnan kong mahimbing na natutulog ang mga kasama ko. Thirty minutes na lang din naman ay gigising na sila kaya nauna na akong maligo.
Kumain kami sa buffet. Nagkuwentuhan kami at nagkukulitan nang dumating ang lalake. Nakatingin siya sa akin pero dumiretso siya sa table ng kaniyang mga kasama. Walang nangyari kagabi, pero siguro naman hindi na niya ako kukulitin.
Ilang beses kaming nagkasalubong sa buong maghapon. Magkakatinginan pero hanggang doon lang.
Kahit paano nakampante ako. Hindi na ako balisa knowing that he's nearby.
Kinagabihan nagpunta kami sa bar. Sina boss ay sa ibang bar nagpunta kasama ang mga nililigawan nilang investor.
Ang unang iinumin namin ay tequila. Luminga-linga pa muna ako sa paligid upang i-check kung nandito ba ang lalake, pero hindi ko siya nakita. Tuloy ang ligaya.
Nakatatlong shots na kami nang mag-aya silang sumayaw. Wild na ang music at wild na ang mga tao. Ang mga kasama namin na nagkakamabutihan ay kakaiba na ang kinikilos. Ang mga single naman ay nakahanap na ng mga kalandian dito sa dance floor.
May isang bote na pinagpapasa-pasahan ang mga tao kaya uminom din ako nang makaabot sa akin.
Napaubo pa ako dahil sobrang tapang.
Sumayaw ako. Nakapikit habang winawasiwas ang ulo kasabay ng aking katawan. Tumitili ang mga tao. Tumatalon. Sobrang wild ng lahat. Ang mga may kapareha ay unti-unti na ding ume-exit. At kung saan sila pupunta, iyon ay hindi ko alam. Maaring pupunta sila sa restroom, hotel o sa dalampasigan.
Nakakahiya!
"Hey there..." Nagulat ako sa lalakeng bumulong sa aking tenga, kasabay ng pagpulupot ng kaniyang braso sa aking bewang.
Nakilala ko agad ang boses niya pati ang gamit niyang pabango. Sa halip na tanggalin ang kamay niya, hinayaan ko lang siya. Sumayaw ako. Napangisi ako nang sabayan niya ang galaw ng aking katawan.
Nilingon ko siya. We both smirked. Sumayaw pa kami hanggang sa unti-unti ko ng maramdman ang pagod at pagkahilo. Niyakap naman niya ako. Ang kaniyang kamay ay marahang hinahaplos ang aking tagiliran at tiyan. Nakakakiliti ang kaniyang ginagawa.
"You're a seductress, you know that?" bulong niya. Pati ang bulong niya ay mas lalo pang naging sexy sa aking pandinig. Ang init ng kaniyang katawan na nakadikit sa akin ay nagbibigay ng masarap na kuryente sa buo kong katawan.
Tiningala ko siya habang nakasandal pa din ako sa kaniyang katawan. Gumalaw ang kaniyang kamay pataas. It landed on my upper abdomen.
Dinilaan ko ang aking labi. Siya naman ay unti-unting binaba ang mukha... Namalayan ko na lang na ginagantihan ko ang kaniyang mga halik. Ang sarap talaga niyang humalik. Hinarap niya ako sa kaniya habang papusok nang papusok ang aming mga labi. Dang! I'm feeling so hot. Hindi ko na kayang tigilan ang mga labi niya. Ayaw ko ding tigilan niya ako. I love how my body reacts. I love how he took my sanity away just by his kisses and touch.
Kinagat ko ang kaniyang labi. Oh, dang! His groan is so masculine.
Naramdaman ko ang kamay niya sa aking pang-upo. Pinisil niya ito.
Nabitin ako sa ere nang tigilan niya ang aking mga labi.
"Not here..." sabi niya. Hinawakan niya ang aking kamay. Hinila niya ako palabas ng bar.