Hindi ako binigyan ng go signal ng doktor na mag-travel, kaya hindi kami nakalipat. Sampung oras ang byahe papunta sa lugar na lilipatan sana namin. Masyadong malayo at matagal abg byahe. Hinihiling ko na lang na sana ay hindi ako matunton ni Ardent. Nalaman ko na hinahanap niya ako. Ayaw ko pang maniwala nang una, pero dahil sa maya't maya niyang pagtawag kina Sir Arjon at Miss Yunnie ay tuluyan na akong nakumbinsi. Bakit pa ba niya ako hinahanap? May asawa siyang tao. Sumasakit ang ulo ko. Imbes na maayos na ang sitwasyon namin dito dahil kahit paano ay nakapag-adjust na kami, heto na naman at binibigyan na naman ako ng problema. Wala akong balita sa kaniyang asawa. Wala din kasing binabanggit sina Sir Arjon at Miss Yunnie. "Namili ako ng mga native na manok, Beryl..." Nilingo