Gabi na ng makarating kami ng probinsya. Ang mga dala naming mga gamit ay magulo pa pero hindi na talaga namin kayang kumilos at mag-ayos. Bukas na lang ng umaga. Mahimbing na din ang tulog ni Precia at ako naman ay nanghihina na sa pagod at antok. Masama ang pakiramdam ko, tapos dahil sa dinadamdam ko, para akong napilayan. Kumain na muna kami bago tuluyang nagpahinga. Malinis naman na ang bahay dahil alam ng nangangalaga nito na mayroong titira. Nasa abroad ang may-ari ng bahay at pinapalinis lang nila ito once a week sa ilan sa kanilang mga kamag-anak. Twenty minutes ang layo nito sa highway at kulang isang oras naman kung pupunta sa bayan. May kalayuan ang hospital. Kaya kapag malapit na akong manganak, hahanap ako ng pansamantalang mauupahan namin na bahay na malapit lang sa