Tapos na ang tawag pero nakatitig pa din ako sa aking phone. I checked the call history to confirm that what had happened earlier was true and not a dream. Totoo nga. Tumawag si Ardent pero hindi siya ang nakausap ko. Ibang tao. Babae. At nagpakilala na Ally. Ang asawa daw niya. Ilang minuto na ang lumipas. Kalahati ng aking isip ay umaasa na tatawag ulit siya. Babawiin niya ang sinabi niya. Sasabihin na prank lang iyon. Na single talaga ang aking nobyo. Na ako ang mahal niya. Pakakasalan ako at gagawing first wife. Pero thirty minutes na ang nakalipas. Pinunasan ko ang aking pisngi nang maramdaman ko ang pagkabasa ng aking mukha. Kanina pa pala ako umiiyak. Kanina pa pala sumasakit ang aking dibdib. Huminga ako nang malalim pero mas lalo lang sumakit ang aking dibdib. Napahikbi na a