Pang-ilang palit ko na 'to ng nail art pero hanggang ngayon hindi pa din nasusuotan ng singsing ang aking daliri. Mauubos ko na din ang mga bagong dress na binili ko para kung sakaling mag-propose siya sa akin. Dalawang monthsary na din ang nagdaan pero bakit wala pa din? Alam kong masyado pa'ng maaga para mag-decide na magpakasal, pero akala ko lang kasi gusto na niya akong pakasalan. Puwede naman kaming ma-engage muna ng ilang buwan o taon. Ayos lang naman iyon. Um-order ako ng isang box ng panibagong ootd's. Kung hindi pa din siya mag-propose, ewan ko na lang talaga. "Goodbye, sweetie. Be a good girl, okay?" "Yes, Mommy!" Mabuti at hindi na niya ako kinukulit patungkol sa kaniyang Daddy. Nalilibang kasi siya sa playschool at sa pakikipaglaro sa mga bata sa labas tuwing hapon.