"Very good," sabi ni Precia. Matamis din itong ngumiti. "Bye," sabi niya kalaunan. Tumalikod na at bumalik sa kaniyang ginagawa. Ako naman ay naupo na muna sa tabi ni Miss Yunnie. "Hayaan mo lang siya. Huwag kang ma-stress." Paano ako hindi ma-i-stress? I don't want him here. Hindi ko siya kailangan. Gusto ko lang namang mamuhay ng tahimik dito. Bakit ba sumunod pa siya? Mamaya masundan siya ni Ally. Manggulo pa iyon dito. Buti sana kung ako lang, kaso may batang inosente na madadamay. Pumasok na din si Sir Arjon. Tipid siyang ngumiti sa akin. "Mukhang nakahalata, e. Kaya nasundan kami dito," aniya. Bumuntong hininga kami. Nahanap na niya ako. At ngayon, puwede na siyang umalis at bumalik sa kung saan siya nararapat. Dahil sumakit ang ulo ko, natulog na muna ako. Ginising lang