See you? Hindi pa din siya uuwi? Ginagalit ako ng lalakeng 'to, ah. At hanggang kailan niya planong mag-stay dito? May work siya sa Manila kaya dapat umalis na siya. Binibigyan lang niya ako ng problema. Naikuyom ko ang aking kamao. "Mommy, nasaan na ang mga coloring book ko?" Kinalma ko ang aking sarili at nakangiting bumaling sa aking anak. "Nasa table, baby." Nagkulay na muna siya habang nagpapahinga. Pinunasan ko din ang kaniyang pawis sa katawan. "Look it's a dwarf! See, Mommy. Ardent look like a dwarf!" Ewan ko sa'yo, anak. Nang makapagpahinga nag-night bath na si Precia, habang hinihintay na maluto ang ulam namin. Mamaya na ako mag-night bath bago matulog dahil tiyak na maiinitan lang ako, kapag hindi ako agad pumasok sa loob ng room. Si Ine ang nagpaligo sa anak ko. Ak