Panibagong araw na naman. At nandito pa din si Ardent. Akala ko aalis na siya. Mukhang tototohanin niya ang mga sinabi niya kay Precia na dito lang siya dahil gusto niyang makita ang bata araw-araw. Kung iyon ang gusto niya, ayos lang naman. Pero hindi siya puwedeng hindi umuwi o bumalik ng Manila. Hindi siya puwedeng magkampo sa labas ng bahay at matulog sa kubo. Sa ginagawa niya, pinapa-attached lang niya si Precia sa kaniya. Bandang huli si Precia lang ang mahihirapan. Kapag kailangan na niyang bumalik sa kaniyang buhay, sa kaniyang asawa, iiwan niya ang anak ko. Masasaktan ang bata. Nakatulala ako habang umiinom ng gatas dito sa kusina. At napapaisip sa mga bagay-bagay. Mula nang mangyari ang lahat ng 'to, naging over thinker na ako. Na dati naman ay hindi. Pero sabagay, hindi