Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng madaming luha sa aking mga mata. Ngayon na lang naman ulit ako umiyak ng husto. Ang sakit kasi. Nasasaktan pa din ako. Pumasok ako ng kuwarto at doon impit na umiyak. Naupo ako sa sulok habang binubuhos ang sakit na nararamdaman sa pag-iyak. Bakit pa kasi kami nagkakilala? Okay lang naman sa akin na maging single mom kay Precia. Sana pala hindi na lang kami bumalik ng Manila. Sana hindi naging magulo ang lahat. Sana hindi ko siya nakilala, hindi sana ako nahulog ng lubos sa kaniya. Hindi na ako noon umasa na magmamahal pa ako pagkatapos akong lokohin ni Roger. Pero hinihiling ko lagi na kung may darating, sana siya na iyong lalakeng makakasama ko habang buhay. Pero bakit? Bakit ganito? Ayaw ko ng ganito. Lord, tanggalin mo po ang sakit na narar