Dinalhan nila ako ng pagkain dito sa kuwarto, upang hindi na ako bumangon pa at maglakad papuntang kusina. Kailangan kong maging maingat. Ayaw kong may mangyari na masama sa kambal. Masasarap ang mga pagkain. Hindi ito niluto ni Ine. At alam ko ay sa syudad lang ang mabibilhan nito. Mukhang si Ardent ang nagpabili nito. Siguro ay mayroon siyang inutusan na tao. Sobrang lungkot ko at ang dami kong iniisip, kaya napa-stress eating tuloy ako. Panay ang buntong hininga ko. Umiiyak na naman ako dahil sa sobrang bigat ng aking dibdib. Hindi ko ito mapigilan. Hindi ko makontrol ang aking damdamin. I'm overthinking. Nagdasal ako upang kahit paano gumaan ang aking pakiramdam. Pagkatapos ay pinilit kong matulog para paggising ko ay maayos na ang aking pakiramdam. Nagising ako ng hapon