Two weeks na ang lumipas mula nang pinaalis ng mga Clementine si Ardent. Wala na din akong balita pa sa kaniya, sila ni Ally. Hindi nababanggit ni Tita ang tungkol sa lalake at nahihiya naman akong magtanong. Nakaligo na ako after two weeks. Laking ginhawa ang aking nararamdaman ngayon. Two weeks din akong amoy pawis at nanlalagkit. Maayos na ang pakiramdam ko ngayon. Bawal pa din akong mag-aircon pero puwede na akong gumamit ng electric fan. Hindi pa din ako makapagsuot ng shorts, puro pajama at pants lang. Hindi ko pa din katabi ang mga anak ko, dahil mainit dito sa kuwarto, pero nakakasama ko na sila. Pinapadede ko sila sa araw at sa gabi ay sina Tita na ang bahala na mag-feed sa kanila, para makatulog daw ako ng maayos. Iyong p-in-ump kong breastmilk ang pinapadede nila sa gabi.